Alien In Love

Bandera (Mindanao) - - News -

NANGmga sumunod na araw ay naging busy lalo sina Brummo at Marianne sa kanilang foundation.

Marami na ang naginterview sa kanilang press.

“The Magician. Sir, bakit ho ito ang napili ninyong public name?”

Tumawa si Brummo. “Hindi pa ba obvious? Look at me, ano ba ang kasuotan ko?”

“The Magician nga ho. Pero dahil ba ganyan ang gusto ninyong kasuotan kaya nakaisip na lang kayo ng pangalan na The Magician?”

“I love the outfit. And I love the name. Sabihin na lang nating ganoon.”

Napangiti si Marianne sa sagot ni Brummo.

Napatanong sa sarili ang dalaga. “Lahat kaya sila sa Mars 7 ay ganyan ka-smart? O talagang smart lang talaga si Brummo?”

“The Magician, marami ang namamangha dito sa foundation ninyo. Dahil napakarami nang pondo. Ang dami n’yo nang tinutulungan.”

“Okay lang naman kami kung pondo ang pag-uusapan.”

“Personal na pondo po ba ninyo ito, personal na pera?”

“Yes.” “Puwede po bang malaman, Sir kung ano ang mga negosyo ninyo? Ang source ng inyong mga itinutulong? Kung may mga kompanya kayo puwede rin po bang malaman ang mga pangalan nila?”

Nagkatinginan sina Marianne at Brummo.

Walasilang masabing kompanya. Dahil ang pondo ng foundation ay nanggagaling pa rin sa mga baretang ginto na dinala ni Brummo mula sa kanilang planeta ng Mars 7.

Pero dahil nga smart si Brummo, agad siyang nakaisip ng dapat isagot. “Not now. May mga partners ako, mga taga-ibang bansa, hindi ko alam kung gusto na nilang mag-come out. So I still have to talk to them.”

“Pero, Sir ... tatanggi ba silang ma-identify sa inyo, sa inyong foundation? Eh, napakaganda ho ng image ng inyong bagong foundation. Nitong nakaraang bagyo, kayo ang napakaraming natulungan.”

“I have to respect them, hindi pa namin ito napag-usapan so kailangan muna nilang malaman na baka mababanggit na ang kanilang mga pangalan. And it is their right to say yes or to say no.”

Dinugtungan na rin iyon ni Marianne. “Hindi naman kasi komo napakaganda ng image ng isang foundation, positibo na iyon para sa mga kapartners niya. So kailangan muna talagang mapag-usapan nila.”

“We understand that, Sir. Sige po, hindi na muna kami ngayon mangungulit. Baka po sa susunod naming interview ay puwede na hong malaman.” “Might be.” Nag-aalala si Marianne. Paano kung dadami na ang maku-curious sa kanilang foundation, sa pagkatao ni Brummo? Okay lang kung lahat ay mga matitinong tao pero paano kung may mga masasamang hangarin?

Itutuloy...

ni Gilda Olvidado

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.