‘Lahat makatatanggap ng bonus’

Bandera (Mindanao) - - News -

NAGLABAS na ng guidelines ang Department of Education (DepEd) kaugnay sa P3,000 anniversary bonus na ibibigay sa mga guro at empleyado nito.

Ayon sa DepEd, hindi lamang ang mga full time o regular employee nito ang makatatanggap ng bonus kundi maging ang mga part-time basis o under permanent, temporary o casual status, at contractual personnel na ang suweldo ay kinukuha sa ilalim ng Personnel Services at nakapagtrabaho na ng isang taon sa ahensya.

Sa susunod na buwan matatanggap ang bonus at dapat ang lahat ay nakatanggap na nito bago matapos ang taon.

Pinayagan ng Department of Budget and Management-National Budget Circular 452 ang pagbibigay ng anniversary bonus matapos ang milestone year ng ahensya.

Ang milestone year ay ang ika-15 taong anibersaryo ng ahensya at kadalimang taon matapos ito.

Ayon sa National Historical Commission of the Philippines itinayo ang Comision Superior de Instruccion Primaria noong Disyembre 20, 1863. Sa paglipas ng panahon ay napalitan ang pangalan nito. — Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.