3-anyos namatay sa nasusunog na basura

Bandera (Mindanao) - - News -

NASAWI ang isang 3-anyos na batang babae sa Candelaria, Quezon, nang magtamo ng mga paso matapos umanong itulak ng kalaro sa nasusunog na basura, iniulat ng pulisya Sabado.

Ikinasawi ng paslit ang tinamong second-degree burns sa katawan, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

Naganap ang insidente noong Oktubre 29, pero nitong Biyernes lang inulat sa lokal na pulisya ng ina ng biktima, matapos mailibing ang anak.

Itinulak umano ng kalaro ang biktima sa isang hukay na noon ay ginagamit bilang sunugan ng basura, ayon sa ulat. — John Roson

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.