3 bata nilamon ng ilog

Bandera (Mindanao) - - News -

NALUNOD ang tatlong bata nang mag-swimming sa ilog sa General Trias City, Cavite, Biyernes ng hapon.

Itinakbo pa sa ospital sina Fatima Salas, 11; Cristina Salas, 10; at pinsan nilang si Gergen Salas, 7, ngunit pawang mga di na umabot nang buhay, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Naganap ang insidente ala-1:30 ng hapon, sa bahagi ng Matandang Ilog sa Belmont Hills, Brgy. Pasong Kawayan 2.

Nagtungo ang tatlo sa ilog para maligo, ngunit napunta umano sa malalim na bahagi si Fatima at nalunod, ayon sa ulat.

Sinubukan siyang sagipin ni Cristina, ngunit nabigo ang huli.

Dito na tumalon sa tubig si Gergen para iligtas ang dalawa, ngunit lahat sila’y lumubog, ayon sa pulisya. — John Roson

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.