Maine, Arjo nag-date sa concert; ArDub fans kinilig

Lagot: Bren mabubuko na ni Coach B sa ‘Barangay 143’

Bandera (Mindanao) - - News -

KUMALAT sa social media kahapon ang panibagong litrato nina Maine Mendoza at Arjo Atayde na kuha raw sa isang concert.

Ayon sa mga netizens, magkasamang nanood ang rumored couple sa “Karpos Live 3.3” concert sa Vertis Tent, Vertis North, sa Quezon City recently.

Makikita sa nasabing photo na unang ipinost sa Instagram, si Maine na nakasuot ng striped top, habang naka-dark polo shirt at red cap naman si Arjo.

Bukod dito may isang video ring naka-post sa IG kung saan makikitang may katabing lalaki si Maine. Hindi kita ang mukha ng lalaki pero nakasuot din ito ng black polo shirt at red cap.

In fairness, kung may mga nangnega sa naglabasang litrato nina Maine at Arjo, marami ring nagtanggol sa kanila, kabilang na ang mga fans na suportado ang tambalang ArDub. Sila’y nagkakaisa sa pagsasabing bagay sina Arjo at Maine at walang masama kung magiging sila.

❏❏❏

Hindi na maitatago ni Bren Park (boses ni Migo Adecer) ang kanyang tunay na pagkatao dahil makikilala na siya ni Coach B (John Arcilla) ngayong Linggo, sa pagpapatuloy ng first Filipino anime series na Barangay 143 sa GMA 7.

Matapos makita sa tapsihan ni Tita Baby (Lorna Tolentino), agad na aalamin ni Coach B kung tama ang hinala niya sa bagong saltang Koreano sa kanilang lugar. Isang video ang kukumpirma na siya nga ang Korean basketball superstar.

Samantala, mahahanap naman ni Vicky (Julie Anne San Jose) ang susunod na magiging team captain ng Puzakals. Siya na kaya ang sagot sa pagiging kulelat ng kanilang team sa PIBA?

Huwag palalampasin ang mas lalo pang tumitinding mga eksena sa kauna-unahang Filipino anime series na Barangay 143, tuwing Linggo, 10 a.m. sa GMA.

Tuloy ang viewing experience online dahil mapapanood ang “Barangay 143 Game Na” live sa Facebook, 10:30 a.m., na may pre-show ng 9:45 a.m. This Sunday makakasama ng hosts na sina Arran Sese, Lucky Mercado at Eji Santos ang special guest na si Een Mercado.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/brgy143, ifollow ang @brgy143 sa Instagram at Twitter, at mag-subscribe sa www.youtube.com/brgy143. ❏❏❏ Magkakasamang haharapin nina Grae Fernandez, Chantal Videla, Jairus Aquino, Kira Balinger, Bugoy Cariño at Patrick Quiroz ang pagiging celebrity VJ ng MYX ngayong Nobyembre.

Ibabahagi ng celebrity VJs ang kasiyahan sa kanilang pinagbibidahan na “Spirits Reawaken,” ang reboot ng 2004 thriller-adventure series ng ABSCBN tampok ang mga teenager na mapagsasama ang kanilang mga kakaibang kapangyarihan upang labanan ang mga masasamang nilalang. Mapapanood ito sa new content-ondemand digital app na iWant simula Nobyembre 17.

Isang eksena sa ‘Barangay 143’‘’

ARJO ATAYDE AT MAINE MENDOZA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.