Coco haring-hari pa rin; TV Patrol, NaK, The Kids’ Choice, MMK, pasok sa Top 10

ABS-CBN TV Studio Experience wagi sa Asia Pacific ‘Silver Quill Award’

Bandera (Mindanao) - - News -

MAS maraming Pilipino pa rin ang tumutok sa mga aral at makabuluhang balitang hatid ng ABS-CBN noong Oktubre matapos nitong magtala ng average audience share na 44%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Ang ABS-CBN ang inantabayanang network sa parehong urban at rural homes, partikular na sa Metro Manila, matapos itong magrehistro ng average audience share na 42%. Nanaig din ang Kapamilya network sa Mega Manila sa pagkamit nito ng 36%.

Panalo rin ang ABS-CBN sa Total Luzon sa pagtala nito ng 39%; sa Total Visayas kung saan nakakuha ito ng 53%; at sa Total Mindanao sa pagrehistro nito ng 53%.

Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.

Siyam sa 10 pinakapinanood na programa sa bansa ay mula sa ABS-CBN na pinangunahan ng FPJ’s Ang Probinsyano (43.6%) ni Coco Martin at sinundan naman ng TV Patrol (32.2%).

Kasama rin sa top 10 ang Ngayon At Kailanman (29.4%) nina Joshua Garcia at Julia Barretto, The Kids’ Choice (25.6%), Wansapantaym (23.5%), Home Sweetie Home (22.6%), Meteor Garden (22.5%), Halik (22.1%), at MMK 25 (21.8%) ni Charo Santos.

Bukod naman sa pamamayagpag nito sa telebisyon, sinusubaybayan din online ang mga kaganapan sa teleseryeng Halik na humakot na ng sa 3.6 milyong weekly views sa iWant

TV. MULING kinilala ang ABSCBN “Wow At Saya” TV studio experience program, na layuning bigyan ng mala-red carpet treatment ang viewers na nanonood ng Kapamilya shows ng live sa TV studios, ng prestihiyosong Silver Quill Award mula sa International Association of Business Communicators (IABC) Asia Pacific sa Melbourne, Australia.

Nagsisimula ang “Wow At Saya” experience ng studio audience members sa pag-book Samantala, tinutukan din ang ABSCBN sa lahat ng time blocks, partikular na sa primetime block sa pagtala nito ng (6 p.m. to 12 midnight) 48%. Ang primetime block ang pinakaimportante parte ng araw kung kailan karamihan sa mga Pilpino ay nanonood ng TV at nila ng slots online sa Kapamilya Tickets (ktx.abs-cbn.com). Kapag nakakuha na ng slots at nakapili ng schedule, pinangungunahan ng Studio Tour guides ang mainit na pagtanggap inilalagay ng advertisers ang malaking parte ng kanilang investment upang makaabot sa mas maraming consumers. Mas pinanood din ang ABS sa morning block (6 a.m. to 12 noon) sa pagtala nito ng 36%; sa noontime block (12 noon to 3 p.m.) sa pagkamit nito ng 43%; at sa afternoon block (3 p.m. to 6 p.m.) na may 44%. sa studio audience members para maging masaya ang kanilang pagbisita sa ABSCBN.

Ito ang pangalawang international award ng ABSCBN “Wow At Saya” pagkatapos nitong masungkit ang isang Gold Quill Award of Excellence sa International Association of Business Communicators (IABC) Gold Quill Awards noong Hunyo sa Montreal, Canada.

Noong 2017, nanalo rin ang “Wow at Saya” sa customer relations category ng Philippine Quill Awards na kumikilala sa pinakamahusay na business communications programs at campaigns sa bansa.

Si Tawag Ng Tanghalan hurado Rey Valera kasama ang studio audience

COCO MARTIN

Si Robi Domingo kasama ang dalawang loyal Kapamilya

JULIA BARRETTO AT JOSHUA GARCIA

CHARO SANTOS

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.