Bubog cleaning tips

Bandera (Mindanao) - - News -

Minsan pag nagkamali ka pa ng tapak, o may mga bata o alagang hayop ay masusugatan ka pa nito.

Nagsaliksik naman kami ng mga ibang paraan para mas madaling malinisin ang mga bubog ng ligtas at madali na maaari ninyong subukan sa inyong tahanan.

Bread method

Gamit ang isang piraso ng slice bread, matapos alisin ang mga malalaking piraso ng bubog, idutdut lamang ito sa parte na hinihinala mong may mga maliliit pang piraso. Ingatlangwag masyadong diinan dahil baka masugatan ang iyong kamay.

Paper towel

Kung may makapal-kapal kang paper towel o kaya ay magbalot ng ilang ikot ng tissue paper ay maaari mo itong basain upang ipahid sa lugar ng mga bubog. Didikit ang mga piraso dito at madali na lang siyang itapon.

Clay

May mga extrang clay galing sa huling project ng mga anak? Kunin mo ito at irolyo sa lugar ng bubog. Patatas

Ang ilan ay gumamit ng hiwa ng patatas para sa mga bubog. Kunin lamang ang isang buong patatas at hiwain ito na siyang gagamitin mo upang makuha ang maliliit na piraso ng bubog.

Tape

Duct tape, masking tape o scotch tape basta medyo makapal. Gamitin ang madikit na side nito para makuha lahat ng mga bubog na hindi mo makita.

Iba pang tips

Magsuot ng rubber gloves bilang proteksyon sa pag pulot ng malalaking piraso ng bubog. Gumamit ng vacuum kung maaari o kaya walisin ng maigi ang buong sahig. Ilagay agad sa basurahan ang mga bubog at huwag lamang walisin sa labas ng bahay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.