Trillanes arestuhin—Davao court

Bandera (Mindanao) - - News - Inquirer.net

IPINAG-UTOS kahapon ng Davao City Regional Trial Court ang pagaresto kay Sen. Antonio Trillanes IV kaugnay sa libel na inihain sa kanya ni Presidential son at dating Davao City vice mayor Paolo Duterte.

Dinidinig ang kaso laban kay Trillanes sa sala ni Judge Melinda Alconcel-Dayanghirang ng Davao RTC Branch 150.

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) ang arrest warrant laban kay Trillanes.

“We confirm that arrest warrants were issued in relation to the libel cases filed against Senator Trillanes,” sabi ni DOJ spokesperson Undersecretary Mark Perete.

Noong Setyembre, naghain si Vice Mayor Duterte ng dalawang kaso ng libel laban kay Trillanes na inakusahan siyang nangikil umano sa Uber at iba pang kumpanya at sa pagpupuslit ng sa P6.4 bilyong halaga ng shabu mula China noong Mayo 2017

Itinakda ng korte ang piyansa sa P24,000. —

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.