20 bahay sa Cebu natupok sa sunog

Bandera (Mindanao) - - News -

NATUPOK ang 20 bahay sa sunog na sumiklab sa Brgy. Poblacion 2, Carcar City, Cebu, kahapon ng umaga.

Natanggap ang alarma alas-9 ng umaga at itinaas sa Task Force Alpha makalipas ang isang oras.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni

Cebu Provincial Fire Marshall Supt. Cesar Patrocino na apektado ang isang residential area at bahagi ng kalapit na palengke.

Wala namang nasugatan sa insidente.

Idineklarang kontrolado ang sunog alas- 10:20 ng umaga.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang sanhi ng sunog at halaga ng mga natupok na ari-arian.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.