6 'dugo' timbog

Bandera (Mindanao) - - News -

DINAKIP ang lima katao, kabilang ang apat na mga babae, na mga miyembro umano ng dugo-dugo gang sa entrapment operation sa Novaliches, Quezon City.

Nakilala ang mga suspek na sina Diane Crisostomo, Jhen Sanchez, Bernadeth De Guzman, Julieta Joseph, at Melvin Pacia. Ayon kay QC Police District Station 4 chief, Supt. Rossel Cejas, dumulog sa kanilang himpilan ang biktimang si Robert Barit matapos pagbentahan ni Pacia ng isang singsing na mayroong diyamante. Nagkakahalaga umano ito ng P15,000. Nakumbinsi si Barit na bilhin ang singsing, ngunit nang dalhin ito sa sanglaan ay

napag-alamang peke pala ito. Kinabukasan ay nakatanggap ng panibagong alok si Barit mula kay Pacia. Sa pagkakataong ito, relo na Rolex na nagkakahalaga ng P30,000 ang ibinebenta sa kanya. Agad na nagkasa ng operasyon ang mga otoridad na nagresulta sa pagkakaaresto kay Pacia at kanyang mga kasabwat. Narekober mula sa mga suspek ang 25 piraso ng mga branded umanong relo, alahas, 12 cellphone, at P66,000 cash. Nahaharap ang anim sa kasong estafa, swindling, at paglabag sa Anti-Fencing Law.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.