Road reblocking sa Taguig, QC

Bandera (Mindanao) - - News -

ISASARA ngayong weekend ang ilang mga kalye para sa road reblocking ng Department of Public Works and Highways.

Sa abiso kahapon, sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority na kabilang sa mga isasara ang southbound ng C-5 Road sa tabi ng SM Aura, Edsa bago mag-Scout Albano at bago mag-Network Drive. Isasara rin ang panulukan ng Edsa at Oliveros st. at Batasan Road malapit sa CSC Central Office. Magsasagawa rin ng road restoration sa Commonwealth Ave., malapit sa Jocfer Building at malapit sa N. Zuzuaregui st. Alas-11 kagabi sinimulan ang road re-blocking at matatapos alas-5 n umaga ng Lunes. Bunsod nito ay pinaalalahanan ng MMDA ang mga motorista na iwasan ang nabanggit na mga lugar para hindi maabala sa trapik

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.