BF ang wish ngayong Pasko

SUPER SUPER HOROSCOPE HOROSCOPE

Bandera (Mindanao) - - News -

Sulat mula kay Erika ng Bagbag, Rosario, Cavite Dear Sir Greenfield,

Isang beses pa lang akong nagkakaboyfriend pero hindi seryoso kaya masasabi kong hindi ito tunay na relasyon kundi boyfriend-boyfriendnan lang, wala pa kasing dalawang linggo ay nagbreak na kami. Sa ngayon ay magwa-one year na akong walang boyfriend at heto papalapit na naman ang Pasko, kapag nagkataon nito, malungkot na naman ang Pasko ko. Gusto ko lang malaman Sir Greenfield kung sa palagay nyo ba magkaka-boyfriend pa kaya ako ngayong pasko upang maging masaya naman ang Christmas ko? December 16, 1996 ang birthday ko.

Umaasa, Erika ng Cavite Solusyon/Analysis: Palmistry:

Kitang-kita ang kaisaisa at malinaw na Marriage Line (Illustration 1 arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay tanda, na sa malapit na hinaharap, maaari isa o dalawang linggo na lang ang lilipas,

sigurado na ang magaganap, habang nagaamoy simoy Pasko na ang hanging amihan, at marami ng nagluluto ng mga bibingka sa gilid ng simbahan– bigla kang magkaka-boyfriend ng cute at guwapong lalaki. Cartomancy:

King of Hearts, Ace of Hearts at Queen of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing matutupad ang iyong Christmas wish at ito ay mangyayaring pagpasok na pagpasok ng Simbang Gabi-isang lalaking may edad sa iyo ng konti ang darating, biglang manliligaw sa iyo na dati mo na ring crush at kakilala.

Itutuloy... May komento ka ba sa nobelang ito? Pwede mong i-chika sa Bandera ang say mo dito! I-type lang ang BANDERA REACT <Heart2 Heart><message> <name/age/ city> at ipadala sa 4467

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.