Luis galit na galit na hinamon ang basher ni Jessy

Luis galit na galit na hinamon ang basher ni Jessy

Bandera (Mindanao) - - Front Page - BY CRISTY FERMIN

MARAMING nagpapayo sa isang may edad nang pulitiko na huwag nang makilahok pa sa darating na halalan dahil marami na siyang nakakalimutan. Humihina na ang memorya ng pulitiko.

Maaaring dahil na rin ‘yun sa kanyang edad, matanda na ang pulitiko, payo ng kanyang mga kaibigan ay huwag na sana siyang kumandidato at magpahinga na lang sa kanyang silyang tumbatumba.

Kuwento ng aming source, “Tanong kasi siya nang tanong sa mga aide niya kung nakapag-file na ba siya ng certificate of candidacy? E, di nga ba, may mga coverage pa nga ng COC filing niya sa mga news programs?

“Maya-maya, tatanungin niya na naman ang security niya, ‘Nag-file na ba ako ng COC? Samahan n’yo ako sa munisipyo, ha?’ Kapag sinabi sa kanya ng kausap niya na nakapagfile na siya, e, nagagalit pa siya!

“Hindi pa raw! Baka raw kapag hindi siya nakahabol sa filing, e, mawalan na siya ng chance na makatakbo sa susunod na eleksiyon!

“Kapag may kamiting siya, pinapupunta niya sa house niya. Kapag dumating na ang kamiting niya, ang tanong niya naman, ‘Sino ka nga ba?’ Naloloka na lang ang bisita niya.

“Huwag na kasing tumakbo pa, magpahinga na lang sana siya, di ba? Matagal na panahon na rin naman siyang nakapagserbisyo sa city na mahal na mahal niya!” kuwento ng chikadora naming impormante.

Dahil sa kuwento tungkol sa matandang politician ay biglang naalala ng isang source ang isang veteran actor na medyo marami na ring nakakalimutan. May mga pagkakataong matagal muna itong mag-iisip bago sumagot sa tanong.

“Sana, magpahinga na lang din siya, nakakaawa naman siya. Mabagal na siyang kumilos, sumasabay sa galaw niya ang memory niya. Alam ‘yun ng mga production people na nakakatrabaho niya.

Magaling siya kung sa magaling, no question about that, pero health niya naman ang nagiging problema, saka ang memory niya.

“Mas magandang mag-rest na siya sa pagaartista, nakakaawa naman siya, sa totoo lang,” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, alam na! Malawak ang mundo para pamilian n’yo ng mga pangalan ng dalawang matanda nang personalidad na ito.

To the rescue siyempre si Luis Manzano sa kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola na paboritong target ngayon sa social media.

Matindi ang inaabot na upak ng seksing dalaga mula sa kanyang mga bashers. Talagang puro negatibo ang

mga salitang ginagamit na pambato laban sa kanya.

Natural, bilang isang karelasyong nagmamahal, hindi gusto ni Luis ang mga nagaganap, lalo na’t sobrang personal na ang mga ipinakakaing salita sa kanyang girlfriend.

Nang magkaroon ng pagkakataon ang magaling

na actor-TV host ay siya mismo ang naghamong makipagkita sa isang basher na akala mo lang kumakain ng peanuts kung pintasan at ilaglag si Jessy.

Talaga namang humahaba ang buhok ng dalaga dahil sa sobrang pagmamahal at proteksiyong ibinibigay sa kanya ni Luis. Handang makipag-away ang actor-TV host dahil sa pagtatanggol sa kanya.

‘Yun naman ang konsolasyong tinatanggap ni Jessy sa kabila ng kaliwa’t kanang pamba-bash na tinatanggap nito ngayon mula sa mga taong never na nakakita ng positibong katangian sa kanya.

Nandiyan na handang si Luis magtanggol, Manzano handang makipagrambulan, handang harapin ang lahat-lahat ng mga kumakalaban sa kanya.

JESSY MENDIOLA AT LUIS MANZANO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.