'Pork' ni GMA di kalakihan—Andaya

‘Makinig ka, Ping’

Bandera (Mindanao) - - News - —Leifbilly Begas

HINDI ang distrito ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang may pinakamalaking alokasyon na nakuha sa ilalim ng panukalang 2019 national

Pulis-HPG, armado patay sa shootout

NASAWI ang miyembro ng PNP Highway Patrol Group at isa pa ang nasugatan nang makipagbarilan sa isang lalaki sa Cagayan de Oro City. Napatay din ang gunman.

Ani PNP spokesman Chief Supt. Benigno Durana, napatay si SPO1 Sergs de Constantine Maceren, miyembro ng Special Operations Team ng Regional Highway Patrol Unit-10. Sugatan ang buddy niyang si SPO2 Lyndie Baltazar.

Naganap ang insidente The sa tapat ng isang gasolinahan at convenience store sa Masterson ave., Brgy. Carmen.

Kapapara lang noon nina Maceren sa isang Hyundai Accent sedan na may nakakabit na "improvised" na plaka.

Pinaputukan ng driver ng M4 assault rifle sina Maceren at Baltazar habang palapit sa kanya.

Dahil dito at gumanti ang mga pulis at napatay ang driver, na sa huli'y nakilala bilang si Abdulrahim Batawi Adilao, ng Mabalacat, Pampanga. —John Roson budget.

Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr., pang-100 lang si Arroyo kung ang pag-uusapan ay ang pinakamalaking pondo na napunta sa distrito.

Sinabi ni Andaya, na mukhang siya at si Arroyo ang tinutukoy ni Sen. Panfilo Lacson na may bilyong halaga ng proyekto.

“Diretsuhin na po natin I think the persons referred to are the Speaker and myself na lumalabas na napalaki ng allocation na binigay sa mga distrito. Just to clarify ang allocation ng ating speaker, she’s actually ranked about 100. Around 99 congressmen na mas malaki po ang allocation sa kanilang distrito,” aniya.

Si Andaya ay pang 186 naman umano.

Mayroon umanong distrito na P8 bilyon ang nakalaang pondo pero ayaw itong pangalanan ni Andaya.

Kung nahanap umano sa Senado ang P1 bilyon na nakalaan sa distrito ni Arroyo, mahahanap din umano ang nakatanggap ng pinakamalaking pondo.

Sinabi ni Andaya na hindi si Arroyo ang humingi ng mga proyekto kundi ang komite na binuo ng House committee on appropriations.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.