2 BIR execs nangotong, kulong

Bandera (Mindanao) - - News -

INARESTO ang dalawang opisyal ng Bureau of Internal Revenue dahil sa umano'y pangongotong ng P2 milyon sa isang kumpanya sa Maynila.

Nasakote sa entrapment operation sina Bethsheba Bautista, Binondo Revenue District Officer at Rachel Villanueva, examiner.

Ayon sa Presidential Anti-Corruption Commission, humihingi umano ang mga suspek ng P2 milyon mula sa nasabing kumpanya para ayusin ang atraso nito sa buwis.

Hindi naman tinukoy ang kumpanya bagaman napag-alaman na dalawang taon na itong pumapalya sa pagbabayad ng buwis.

Samantala, sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica na nahihirapan silang makahuli ng mga tiwaling opisyal ng BIR dahil kadalasang ang karaniwang empleyado ang nakikipag-transaksyon sa kanilang mga kinikikilan.

Itinanggi naman ng mga naaresto ang paratang.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.