50 sugatan sa labo-labo sa concert

Bandera (Mindanao) - - News - Ni Liza Soriano

HINDI bababa sa 50 katao ang nasugatan matapos maglabo-labo ang nanood sa Christmas concert sa sikat na mall sa Pasay City, Biyernes ng gabi.

Ayon kay Senior Supt. Noel Flores, hepe ng Pasay police, nagtamo ng mga pasa at galos ang mga biktima.

Lumalabas sa pagsisiyasat na kasagsagan ng Coke Studios Christmas Concert sa grounds ng mall ay bigla na lamang nagkaroon ng tulakan, batuhan ng bote, takbuhan at talunan sa barikada ang ilan sa mga nanood.

Kaya't ayon kay Flores, sinabihan nila ang concert organizer, na suspendihin muna ang event sa pangambang magkaroon ng stampede.

Lumalabas sa pagtataya ng pulisya ay nasa 20,000 ang crowd sa venue, ngunit sa estimate naman ng Coca-Cola ay nasa 15,000 ang mga miron.

“Sobra kasi ang audience na dumating, unexpected. Napakadami kasi nga free ito. Ayaw namin na may mangyaring stampede,” ani Flores.

Samantala. Iniukat ng pamunuan ng Coca-Cola na binigyan kaagad ng atensyong medikal ang mga biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.