P3M droga kumpiskado

Bandera (Mindanao) - - News - —Liza Soriano

MAHIGIT P3 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa dalawang unmano'y tulak na nadakip Biyernes ng gabi sa Taguig City.

Kinilala ang mga suspek na sina Jayson Esguerra at Rodolfo Dejos, kapwa ng Brgy. Manuel. Ayon kay NCRPO director Chief Supt. Guillermo Eleazar, Biyernes ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang kanyang mga tauhan kontra sa mga suspek. Nakumpiska mula sa dalawa ang mahigit sa kalahating kilong shabu na nakalagay sa anim na plastic sachet, 150 pirasong anti-depressant, at P1, 000 marked money. Samantala, inamin ni Esguerra na napagutusan lamang sila ng kaibigan na nakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City. Nagbabagsak umano sila ng droga sa Taguig, Pasig at Cainta, Rizal.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.