Sugod Bahay winner sa EB binigyan ng house & lot

COCO KAY MAINE: MAHUHULOG TALAGA ANG LOOB MO SA KANYA, WALANG KAARTE-ARTE

Bandera (Mindanao) - - News - At COCO MARTIN AT MAINE MENDOZA

“MAHUHULOG talaga ang loob mo sa kanya!" Ito ang inamin ng Primetime King nasi Coco Martin matapos makatrabaho si Maine Mendoza sa MMFF 2018 official entry na "Jack Em Popoy: The Puliscredibles".

“Si Maine, walang kaarte-arte. Kasi yung collaboration, may mga eksena kami dito na, siyempre may makakatrabaho ka na parang may ilangan, lalo na pag first day," ang papuri ni Coco kay Maine sa presscon ng "Jack Em Popoy."

“Kasi may mga intimate scene kami sa mga action scenes. Kapag nagdidikit ‘yung mga katawan namin, ako, pakikiramdaman mo yung babae. Baka mamaya ma-intimidate or whatever. Parang nag-aalangan ka.

“Pero si Maine, wala, mahuhulog yung loob mo sa kanya kasi parang alam mong partner. Alam mong pareho kayong dalawa na iisa ang goal—na ayusin natin 'to, pagandahin natin 'to.

“Tapos nga, kapag magbibigay ka ng suggestion sa kanya, makikinig siya, 'tapos mas pagagandahin niya. E, ako, bilib ako sa kanya sa comic timing niya, e. Kayang-kaya na niya yun, siya na gagawa nu’n. Kaya nga maganda yung collaboration, maganda yung dynamics naming lahat,” sey pa ng award-winning actor.

Samantala, puring-puri rin ni Maine ang ka-loveteam niya sa bagong pelikula, “Very gentleman si Coco, mapapadali ang mga eksena mo kasi aalalayan ka palagi.

“May mga oras na hindi mo kailangang magtanong kasi napapakiramdaman mo na, ‘Ay, tutulungan kita dito,’ which is a very good thing naman.

“Mahihiya kang mag-approach na, ‘Uy, tulungan mo naman ako, ano pa ang gagawin ko?’ Aside from being a gentleman, sobrang mabait talaga,” chika pa ng Dubsmash Queen.

Samantala, ibinandera naman ni Maine sa harap ng entertainment press na mukhang imposibleng magkaroon ng love angle sa pagitan nila ni Coco.

“Una po sa lahat, para po sa impormasyon ninyong lahat, magkamag-anak po kami ni Coco. Opo, distant relatives po kami. Nalaman na po namin, may family reunion po kami sa Bulacan.

"Sa pagkalaki-laki ng family tree, nandito ako at nandito si Coco. Opo, nauna po yung reunion kaysa sa start ng movie kaya, una pa lang, yun na ang naging topic namin. 'Uy, magkamag-anak pala tayo.’ Even yung family ko, natanong ako," paliwanag ni Maine.

Hirit naman ni Coco, “Ako nga po, nagulat din ako. Nu’ng sinabi sa akin ni Maine yun, tinanong ko yung lola ko, ‘La, may kamag-anak po ba tayo dito sa Bulacan?’ So yun, nagkatugma-tugma.

"Kaya nung nag-meet kami nung family ni Maine, nahiya naman po ako kasi nga, nahiya po akong mag-approach, pero gusto ko po silang makilala,” ani Coco.

Showing na ang "Jack Em Popoy: The Puliscredibles" sa Dec. 25 bilang bahagi pa rin ng 2018 MMFF. Kasali rin dito si Bossing Vic Sotto, Mark Lapid, Lito Lapid, Ryza Cenon, JP Endrinal, Tirso Cruz III, Ronaldo Valdez, Cherry Pie Picache, Arjo Atayde, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Baeby Baste, Ryzza Mae Dizon at marami pang iba.

Ito’y sa direksyon ni Mike Tuviera under CCM Film Productions, APT Productions at MZet Productions. ❏❏❏

Gulat na gulat ang nanalo sa Sugod Bahay nang sabihin ni Vic Sotto na bibigyan siya ng bagong house and lot bilang pampabuwenas

sa paglipat nila sa bagong tahanan ng Eat Bulaga, ang APT Studios.

Hindi makapaniwala ang ginang na napili sa "Juan For All, All For Juan" sa Christmas gift sa kanya ng mga Dabarkads. At bukod sa house and lot, sinamahan pa ni Bossing ng bagong mga gamit at appliances ang nasabing bahay mula sa kanilang mga sponsors.

Ilang ulit na tinanong ng lucky winner si Vic kung totoo ba talaga na bibigyan siya ng bagong bahay kaya ilang ulit din sinabi sa kanya ng TV host-comedian na may bago na silang house and lot sa Pasko at sinabihang mag-impake na agad-agad para makalipat na sila.

Ipinakita rin sa episode ng EB kahapon kung paanong tinulungan ng mga Dabarkads, sa pangunguna ni Ryan Agoncillo na maglipat-bahay.

Kahapon ang unang araw ng Eat Bulaga sa APT Studios na matatagpuan sa Cainta, Rizal.

VIC SOTTO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.