Hiling sa deboto: Huwag magkalat

Bandera (Mindanao) - - News - —Leifbilly Begas

ILANG araw bago ang Traslacion, nanawagan ang EcoWaste Coalition sa mga deboto na iwasan ang pagkakalat.

Sinabi ni Daniel Alejandre, Zero Waste Campaigner ng EcoWaste, na ang buwan ng Enero ay idineklara­ng Zero Waste Month pero palaging maraming tambak ng basura sa mga lansangan sa buwan na ito dulot ng pagsalubon­g ng Bagong Taon at Traslacion.

“The objective should not simply focus on how quick the garbage is swept, collected and hauled, but on how the generation of garbage can be prevented and reduced to the minimum,” ani Alejandre.

Sa Enero 9 gagawin ang prusisyon mula sa Rizal Park papunta sa Quiapo.

Noong 2018, umabot sa 385 tonelada ng basura ang nahakot sa Quirino Grandstand sa Rizal Park hanggang sa Quiapo district matapos ang tradisyona­l na “Pahalik” at prusisyon. Mas mataas ito ng 11 porsyento sa 341 tonelada na nahakot sa Traslacion noong 2017.

“We appeal to the devotees of the Black Nazarene to take waste prevention to heart as they fulfill their religious vows. Let it not be said that the age-old Traslacion has again turned into a ‘trash-lacion’ sullying every nook and corner of the procession­al route with garbage," dagdag ni Alejandre.

Karamihan sa mga nahahakot na basura ay lalagyan ng pagkain gaya ng single-use plastic, polystyren­e food containers, plastic cups, straw at paper bag.

Nanawagan din ang EcoWaste sa mga politiko na huwag magkabit ng ng tarpaulin banners na magiging basura rin kalaunan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.