Regine: Ang daming tinatanong ni Sarah sa akin tungkol sa pag-aasawa

Kris alam na kung paano lalabanan ang mga sakit: Lumalakas na po...

Bandera (Mindanao) - - Front Page - BY ERVIN SANTIAGO

NAGTATANONG na si Sarah Geronimo tungkol sa pagpapakasal at pag-aasawa sa kanyang idol na si Regine Velasquez.

Sa last episode ng ASAP Natin 'To biniro ng Asia's Songbird ang Pop Royalty about getting married. Talagang nagsigawan ang audience habang isinisigaw ang pangalan nina Sarah at Matteo Guidicelli.

Kumalat kasi ang balita na engaged na sina Sarah at Matteo matapos mag-viral ang litrato ng singeractress na may suot na tila engagement ring.

Sa panayam ng ABS-CBN, natanong si Regine kung may alam siya tungkol sa napapabalitang pagpapakasal ng Kapamilya couple dahil nga siya ang nanguna sa panunukso kay Sarah.

"Wala lang niloloko ko lang kasi kinikilig ako sa kanila, eh si mother (Mommy Divine) nandu'n sa harap ko, tawa lang siya nang tawa," paliwanag ni Regine.

Knows ba niya kung totoong engaged na sina Sarah at Matteo? "Hindi ko alam, wala namang sinasabi. If that were true, I would have known. She’d tell me. She’d ask me first. Kasi ganu'n yun eh."

Dito na inamin ng Songbird na nagtatanong-tanong na raw si Sarah sa kanya tungkol sa pagpapakasal, "We talk about it, I tell her, she is at the right age naman na, marrying age na siya.

"Siyempre inexperienced siya, ang dami niyang tinatanong sa akin about getting married, being in a relationship," chika pa ni Regine.

Hirit pa ng Songbird, kung may kasalan mang magaganap, sigurado raw siya na kukunin siyang ninang nina Sarah at Matteo.

❏❏❏

Nakalabas na ng ospital sa Singapore si Kris Aquino matapos sumailalim sa ilang medical procedure para sa mga iniindang sakit, kabilang na ang iba't ibang allergy sa katawan.

Ibinalita ng Social Media Queen na naging maayos at matagumpay naman ang ginawang medical evaluation sa kanya sa nasabing ospital kasabay ng papuri sa medical staff ng ospital na karamihan ay mga Pinoy.

Nag-post si Kris ng video sa kanyang Instagram account kung saan mapapanood ang paglabas niya sa ospital kasama si Bimby. Narito ang caption sa IG post ni Kris.

"I was discharged with a detailed diagnostic report and i look positively towards the future because now we know what i need to do (my medication, treatments, monitoring, wellness activities, and the complete avoidance of what causes my most severe allergic reactions) for my physical & emotional well-being.

"Again I want to thank my doctors, Dr YK Cheng (my lead doctorallergy, rheumatoid, and immunology specialist, he has been so reassuring and i thank @ging.md for introducing me to him) who was tireless in putting together a team of experts. I was impressed that they looked beyond physical healing but overall quality of life, in my work and my foremost responsibilitybeing a MOTHER.

"I had a positive & secure experience at Farrer Park Hospital because i was treated with respectful care by all the Philippine nurses and hospital staff. i am 100% convinced that what truly sets the Philippines apart is our people: dedicated, hardworking, kindhearted,

and compassionate.

"Seeing how highly regarded Filipinos are in the medical profession worldwide- super nakaka PROUD talaga maging Filipino dahil tayo ang pinagkakatiwalaan para sa pinaka mahalagang bahagi ng buhay- ang kalusugan.

"To clarify- nasabihan ko si Bimb na 'don’t say that' (in case you catch our audio) kasi nagbanggit sya nung favorite nyang flame grilled chickeni’m being proactive in case eventually mag expand sila to the Philippines. Thank God lumalakas na po because the HAPPY me is back.

"Singapore has been a blessing in my life, from being a princess in @crazyrichasians, and now receiving clear answers to my worrying health questions. And you have so generously blessed kuya Josh, Bimb, and me because of your prayers & support. I'll rest a few days then fly home. Have a good Sunday and God bless you all. #grateful."

KRIS AQUINO AT BIMBY

SARAH GERONIMO AT REGINE VELASQUEZ

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.