Ayuda sa OFW na HIV positive

Bandera (Mindanao) - - News - —-Leifbilly Begas

MAY makukuhang tulong mula sa Overseas Workers Welfare Administration ang mga overseas Filipino workers na mayroong HIV-Aids.

Sa bagong Aids Prevention and Control Law na magiging epektibo sa Enero 25, inatasan ang OWWA na suportahan at tulungan ang mga migrant worker na may HIV-AIDS.

“Under Section 37 of the new law, the OWWA, together with other agencies, is duty-bound to develop a program to provide a stigma-free comprehensive reintegration, care, and support program, including economic, social, and medical support for OFWs with HIV, regardless of employment status and stage in the migration process,” ani ACTS-OFW Rep. Aniceto Bertiz III.

Umabot sa 856 OFW ang nagpositibo sa HIV mula Enero hanggang Nobyembre 2018.

Mula 1984, pumalo na sa 6,179 na ang kabuuang bilang ng OFW na nahawa nito o 10 porsyento ng 61,152 Pilipino na nahawa.

Sa mga nahawang OFW, 86 porsyento (5,317) ang lalaki. Sa mga lalaki 72 porsyento ang nahawa dahil sa pakikipagtalik-- 2,203 ang male-to-male sex at 1,607 ang pakikipagtalik sa kapwa lalaki at babae.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.