Bagets sinaksak sa leeg ng tripper

Bandera (Mindanao) - - News - —Liza Soriano

KRITIKAL ang binatilyo na sinaksak sa leeg ng tambay sa Makati City, kamakalawa ng gabi, ayon sa pulisya.

Ginagamot sa Ospital ng Makati ang 15anyos na biktima habang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Mark Ian Hidalgo alyas Yaya ng Brgy. Rizal.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na naglalakad ang biktima at kanyang kaibigan sa Maya st. nang lapitan at saksakin siya ng suspek sa kanto ng Woodpecker st., alas-8:30 ng gabi.

Tumakas ang suspek samantalang dinala ng kanyang kaibigan ang biktima sa pagamutan.

Ayon sa pulisya, walang atraso ang biktima sa suspek kaya naniniwala sila na nag-trip lang huli.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.