P.3M natangay ng salisi gang

Bandera (Mindanao) - - News - —Liza Soriano

AABOT sa P300,000 halaga ng tseke, pera at gadgets ang natangay ng babaeng miyembro ng salisi gang sa isang klinik sa Muntinlupa City, kamakalawa.

Ayon sa biktimang si Suzette Lavin, 44, negosyante, naganap ang pagnanakaw alas-4 sa Medicad Clinic Wellness Lane, na matatagpuan sa ikatlong palapag ng Festival Mall sa Alabang.

Sinabi ni Lavin na sandali lamang siyang nalingat ay bigla na lamang nawala ang kanyang bag na Lanvin.

Laman noon ang mga tseke na nagkakahalaga ng P150,000, cash na P20,000, Apple iPad, ATM at credit cards, at flash drive.

Sinusuri na ng otoridad ang mga kuha ng CCTV sa lugar upang matukoy ang pagkakakilanlan ng babae at kung may mga kasabwat ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.