Mananaya nganga sa P212M jackpot

Bandera (Mindanao) - - News - —Leifbilly Begas

WALANG nanalo sa P212.3 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 Sabado ng gabi.

Sa bola sa Lunes, inaasahang aabot na sa P217 milyon ang jackpot prize.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, hindi natayaan ang winning number combination na 23-28-19-2208-51.

Nagkakahalaga ng P33.2 milyon ang halaga ng itinaya sa naturang bola. Nanalo naman ng tigP87,600 ang 19 mananaya na nakakuha ng limang numero habang tig-P870 naman ang 1,524 mananaya na nakaapat at tig-P20 ang 31,033 mananaya na nakatatlo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.