Basura ibiniyahe pabalik ng SoKor

Bandera (Mindanao) - - News -

IBINIYAHE na kahapon ang bahagi ng tone-tonelada ng basura pabalik ng South Korea na naipuslit sa bansa noong nakaraang taon.

Matatandaang naharang ng Bureau of Customs ang aabot sa 1,200 tonelada ng basura noong Nobyembre.

Kabilang sa mga basura ay syringe, diapers at iba pang hospital wastes.

Ayon kay John Simon, port collector sa Mindanao International Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental, nasa 50 container ang ibinayahe kahapon. Nasa 200 container ang ibabalik sa South Korea.

Aniya, kailangan pang maibalot muli ang nalalabing mga basura at ibalik sa mga container kung saan nanggaling ang mga ito.

INQUIRER

NAGBABAKASAKALING may mahuhuling isda sa Manila Bay ang mga mangingisdang residente sa paligid ng lawa. Kamakailan ay inatasan ni Pangulong Duterte si Environment Sec. Roy Cimatu na simulan ang paglilinis ng Manila Bay, kung saan dumadaloy ang Pasig River at dumi ng mga estero ng Metro Manila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.