RICCI RIVERO NEGANG-NEGA DAHIL SA MAANGAS NA SAGOT TUNGKOL KAY LIZA; TINAWAG NA 'JINX' 2 special award ni Karen Gallman sa Miss Intercontinental iniintriga

Bandera (Mindanao) - - Health & Wellness - RICCI RIVERO KAREN GALLMAN BY AMBET NABUS

SA dinami-rami ng mga equally deserving or even better than our very own Philippine bet sa 47th Miss Intercontinental pageant, agree kami sa mga nagsabing "hometown decision" na ibigay kay Karen Gallman ang dalawang special awards sa naganap na press presentation kamakailan.

Matatanggap pa namin 'yung tinanggap niyang Media Favorite award (kahit parang pilit), pero yung Stand-Out Beauty ay tila obvious na, lalo pa't mas maraming standout candidates sa batch ngayon gaya nina Miss Paraguay, Miss Colombia, Miss Malaysia, Miss Thailand at iba pang mga Latin American beauties.

Hindi natin masisisi yung mga bumoto sa ating pambato, pero sadyang may limitasyon talaga ang isang kandidata ng host country. Masyadong "luto" ang dating.

But the again, baka gimik lang ito ng mga organizers para mas mapag-usapan ang pageant o di kaya'y makundisyon ang utak ng mga tao na keri naman talaga ni Karen na manalo.

Sa Jan. 26 na gaganapin ang finals night ng Miss Intercontinental kaya abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata at sana nga'y maipakita natin sa buong mundo na patas ang mga Pilipino sa kahit anong laban. Kaya kay Karen, break a leg gurl!

❏❏❏

Kung kami si Kris Aquino, pag-aaralan talaga namin kung paano kontrolin ang kadaldalan at pagpi-feeling superior lalo na't mukhang palaban din ang taong kinasuhan niya.

Sa nangyayari ngayon kay Kris, mas makabubuting piliin lang niya kung ano ang ibabandera sa social media dahil baka sa ending ay mag-boomerang sa kanya ang lahat ng ibinabato niyang kasalanan ng mga kaaway niya.

Lahat na lang yata ng aspeto ng buhay niya ay napag-usapan na at nitong napapadalas na ang posting niya ng mga ganap niya sa ospital, parang nagmamakaawa na tuloy siya sa paghingi ng suporta at simpatya mula sa madlang people.

Ano pa nga ba naman ang isyung hindi nagamit o ginamit (sinadya man o hindi) ng isang Kris Aquino - mula personal na buhay, sa kanyang mga anak, sa lovelife, mga break-up, usapin ng yaman, kapangyarihan, impluwensya, asawa, mga ex-dyowa, hanggang sa mga sakit niya ngayon.

Hindi naman masama ang pagpapakatotoo, pero kung sobra-sobra na sa hinihingi ng pagkakataon, baka sa halip na magtagumpay siya sa kanyang mga laban sa buhay ay ito pa ang ikapahamak at ikalagapak niya sa ending.

❏❏❏

Agree rin kami sa naging obserbasyon ng marami na tila nag-boomerang sa baguhang aktor at atletang si Ricci Rivero ang may kahambugang sagot nito sa isang interview kung papayag ba siyang maging leading man ni Liza Soberano odi kaya'y maging third party sa tambalang LizQuen.

Sa naging sagot kasi nitong "pass" at "depende sa schedule ko" ay maraming naangasan sa binata lalo pa't bagong pasok pa lang siya sa showbiz at wala pang napapatunayan.

Maaaring sikat siya sa social media dahil sa pagiging basketball player, pero mukhang hindi napayuhan ang batang ito kung paano ang kalakaran sa showbiz partikular na ang pagsagot sa mga tanong ng press.

Kasama si Ricci sa 2018 MMFF entry na "OTLUM" na isa sa mga pelikulang natanggal agad sa mga sinehan nang magsimula ang festival kaya may mga nagsabi na baka raw siya ang jinx o malas kaya hindi masyadong sinuwerte sa takilya ang pelikula.

Again, hindi masama ang magpakatotoo at maging honest pero dapat maging sensitive rin tayo sa mga sinasabi natin para iwas nega at intriga.

LIZA SOBERANO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.