P58-M Lotto pot nasungkit sa Bacolod

Bandera (Mindanao) - - News -

ISANG mananaya sa Bacolod City ang nanalo ng P58.4 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola Linggo ng gabi.

Ang nanalo ay tumaya sa lotto outlet sa SM Bacolod, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office. Siya ang nag-iisang nakakuha sa winning number combination na 43-55-15-02-29-56.

Umabot sa P13.4 million ang halaga ng itinaya para sa naturang bola.

Nanalo naman ng tigP168,350 ang apat na mananaya na nakakuha ng limang lumabas na numero.

Tig-P3,320 naman ang 162 mananaya na nakakuha ng apat na numero. Tig-P20 naman ang 4,844 mananaya na nakatatlong numero. — Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.