Data breach sa DFA uuriratin

Bandera (Mindanao) - - News - Inquirer.net

PATAY ang dalawang Pinoy na bagong kasal matapos malunod habang nagha-honeymoon sa Maldives, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na iniulat ng lokal na otoridad na mga panauhin sa isang resort sa Dhiffushi Island ang 29-anyos na babae at 30anyos na lalaki nang malunod habang nag-isnorkeling noong Linggo.

Sinubukang i-rescue ng mga manggagawa ng resort ang mag-asawa, bagamat dineklarang dead on arrival sa isang lokal na ospital, ayon pa sa DFA.

Nagpaabot na ng pakikiramay ang DFA sa pamilya ng mga biktima.

Tiniyak din ng DFA na aayudahan ang mga biktima para maibalik ang kanilang mga labi sa bansa.

Ikinasal ang magasawa noong Disyembre 18, 2018 at umalis ng Maynila para sa kanilang honeymoon noong Enero 9. Kapwa nars at taga Laguna ang mga biktima. — IIMBESTIGAHAHAN ng Senado ang umano’y passport data breach ng Department of Foreign Affairs.

Ito ay matapos isiwalat ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na tinangay ng dating contractor ng ahensiya ang lahat ng datos ng mga passport holders makaraang hindi ma-renew ang kontrata nito.

Naghain na ng resolusyon si Sen. Risa Hontiveros na humihiling na imbestigahan ang isyu.

"As the Philippines is about to begin implementation of the National ID System, reports such as these do not inspire confidence in the capacity of government to protect our data and its ability to police and hold accountable private contractors who process personal information,” pahayag ni Hontiveros.

Samantala, sinabi ni Locsin na sa ngayon ay wala pang nagli-leak na data.

"No leak so far, is possibly hopelessly corrupted and at any rate inaccessible now or we are being lied to as usual.” ani Locsin.

Aniya, kailangan gumawa ng bagong database ang DFA para sa passport na inisyu bago ang 2010 dahil tinangay aniya ang mga impormasyon kaugnay rito.

Kahapon ay nagpadala naman ng imbitasyon sa tanggapanng ahensiya ang National Privacy Commission (NPC) para sa imbestigayonsainsidente.—Liza

Soriano

Jesus and his disciples went into the town of Capernaum and Jesus began to teach in the synagogue during the Sabbath assemblies. The people were astonished at the way he taught, for he spoke as one having authority and not like the teachers of the Law.It happened that a man with an evil spirit was in their synagogue and he shouted, “What do you want with us, Jesus of Nazareth? Have you come to destroy us? I know who you are: You are the Holy One of God.” Then Jesus faced him and said with authority, “Be silent and come out of this man!” The evil spirit shook the man violently and, with a loud shriek, came out of him. All the people were astonished and they wondered, “What is this? With what authority he preaches! He even orders evil spirits and they obey him!”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.