Sunshine beastmode sa basher: Ano ba’ng problema sa suot ng anak ko?!

Bandera (Mindanao) - - News - SUNSHINE CRUZ

BEASTMODE ang aktres na si Sunshine Cruz nang mabasa ang komento ng ilang bashers tungkol sa kanyang anak na si Angelina.

Ilang netizens kasi ang pumuna sa seksing gown na isinuot ng anak nina Sunshine at Cesar Montano sa 18th birthday party ng kambal nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy nitong weekend.

Ayon sa isang pakialamerang netizen, bakit daw pumayag si Sunshine na isuot ni Angelina ang silver backless gown sa nasabing party. “Ke bata bata pa pinagsusuot mo na ng ganyan damit. Hays," komento ni @expensive_addict.

Ito naman ang resbak ni Sunshine, "She’s 17 years old. Attending

a Hollywood-themed party. Ano problema sa suot nya if I may ask?"

Marami naman ang kumampi kay Sunshine at

pinayuhan siyang huwag nang pansinin at patulan ang mga "negatron" at trolls sa social media.

Habang sinusulat namin

ang balitang ito, tinanggal na ni Sunshine ang comments section sa kanyang Instagram account para makaiwas muna sa mga haters and bashers.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.