EO sa 'endo' napurnada

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE -

HINDI natuloy ang pagpirma sa Executive Order laban sa contractualization na nakatakda sanang lagdaan kahapon.

Ayon sa Malacanang, gagawin na lamang ang pagpirma ng pangulo sa EO sa mismong Araw ng Paggawa o Labor Day sa Mayo 1, bilang regalo sa mga manggagawa.

Tiniyak naman ni Presidential spokesman Harry Roque na pursigido ang pangulo na tuparin ang kanyang pangako sa taumbayan noong panahon ng kampanya na tutuldukan niya ang end of contract o "endo".

Umaapela naman si Roque na maiging maghintay-hintay lamang ng kaunti pang panahon at lalagdaan din ng pangulo ang EO laban sa endo.

Aminado si Roque na wala sa kanyang kalendaryo kahapon na lalagdaan ng pangulo ang EO taliwas sa mga pahayag ng iba't ibang labor groups.

Sinabi ni Alan Tanjusay ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na kahapon ang itinakdang araw ng Malacanang para sa pirmahan ng EO na siyang tatapos sa matagal na isyu ng contractualization sa bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.