Leni, LP solons binatikos sa ‘Holocaust’ photo

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - — Inquirer.net

HINDI pinalagpas ng mga pro-Duterte ang kumalat na larawan ni Vice President Leni Robredo na nakangiti habang kasama ang ilang mambabatas at miyembro ng Liberal Party sa Holocaust Memorial sa Germany.

Marami ang nagpahayag na ang nasabing kuha ay kawalan ng respeto sa mga biktima ng genocide ng mga Nazis.

Tinanggal ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat Jr. ang litrato sa kanyang Twitter ngunit huli na dahil nai-share na ito ng mga tagasunod ni Duterte sa kani-kanilang Facebook account.

Tanging si Baguilat pa lang ang nagpaliwanag tungkol sa isyu.“We posed at the Holocaust Memorial not to demean the place.”

“But I took down the tweet immediately so as not to hurt sensibilities,” sabi ni Baguilat.

Iginiit naman ng marami na dapat siyang humingi ng paumanhin.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pa ring paliwanag si Robredo tungkol sa isyu, at maging ang mga kasama niya sa larawan na sina Rep. Arlene Bag-ao, Rep. Bolet Banal, Rep. Kit Belmonte, Rep. Miro Quimbo at Sen. Francis Pangilinan.

Makikita sa larawan na naka-sunglass si Robredo habang nakangiti.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.