123 taon kulong kay Ramiscal

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - Leifbilly Begas

HINATULAN ng kabuuang 123 taon pagkakakulong ng Sandiganbayan Seventh Division si retired Brig. Gen. Jose Ramiscal Jr., dating pangulo ng binuwag na Armed Forces of the Philippines-Retirement and Separation Benefits System, kaugnay ng pagbili sa 12 ariarian sa General Santos City noong 1997.

Kasama ni Ramiscal na nahatulan ang private defendant na si Nilo Flaviano sa 12 kaso ng graft at falsification of public documents. Pinagmulta rin ang dalawa ng tig-P60,000.

Ang kaso ay kaugnay ng reklamong inihain ni dating South Cotabato Rep. Luwalhati Antonino sa Ombudsman kaugnay ng pagbebenta sa Magsaysay Park properties.

Bumili ang AFP-RSBS ng 12 lupa na may sukat na 999 metro kuwadrado noong Setyembre 1997 sa halagang P10,500 kada metro kuwadrado o P10.4 milyon bawat isa. Ang may-ari ng lupa ay nagbigay ng special power of attorney para si Flaviano na ang makipagtransaksyon sa bentahan.

Ayon sa korte, may sabwatan sina Ramiscal, Flaviano at AFP-RSBS project director Wilfredo Pabalan, na siyang ikinalugi ng gobyerno ng P5.8 milyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.