3 patay sa aksidente

Bandera (Visayas) - - NEWS -

TATLO ang iniulat na nasawi sa magkakahiwalay na aksidente sa Pangasinan.

Patay si Mark Gilbert Dela Cruz, 21, at kanyang 20-anyos na girlfriend na si Rica Garcia, matapos tumilapon sa kanilang sinasakyang motosiklo at saka masagasaan ng trak ganap na alas3:35 ng hapon kamakalawa, sa kahabaan ng isang highway sa Barangay Magtaking, Bugallon.

Dead on arrival ang mga biktima matapos isugod sa isang ospital.

Nasa kustodiya na ng mga pulis ang driver ng trak na si Antonio Torres, 54.

Sa bayan ng Villasis, namatay si Jolito Macalampad, 24, habang dinadala sa isang ospital matapos na masagasaan ng isang pampasaherong bus habang tumatawid sa Manila North Road sa Barangay Bacag ganap na alas- 8:50 ng gabi kamakalawa.

Naaresto naman ang driver ng bus na si Melvin Sindayen, 39.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.