High value target dakip sa shabu, baril

Bandera (Visayas) - - NEWS - — John Roson

ARESTADO ang isang lalaking mula pa sa Marawi City nang makuhaan ng P2.5 milyon halaga ng hinihinalang shabu at mga baril, sa raid sa Magalang, Pampanga, nitong Linggo.

Nadakip si Akil Imam, 29, tubong Marawi at residente ng Bliss 1, Brgy. San Vicente, sabi ni Chief Supt. Amador Corpuz, direktor ng Central Luzon regional police.

Sinalakay ng mga tauhan ng Magalang Police at Philippine Drug Enforcement Agency ang bahay ni Imam dakong alas-4 ng umaga.

Isinagawa ang raid sa bisa ng search warrant na inisyu ng Quezon City Regional Tri- al Court Branch 89 laban kay Imam, na itinuturing na "high value target" dahil sa umano'y kinalaman sa kalakalan ng ilegal na droga, ayon kay Corpuz.

Nasamsam sa bahay ang 31 mediumsized at tatlong malaking sachet na may kabuuang timbang na 500 gramo ng hinihinalang shabu, electronic weighing scale, dalawang kalibre-.45 pistola, dalawang magazine, pitong bala, at maliit na money counting machine.

Nakumpiska din ang sari-saring drug paraphernalia, kabilang ang isang bungkos ng mga di pa gamit na sachet.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.