Lasing bumangga sa poste

Bandera (Visayas) - - NEWS - —Leifbilly Begas

SUGATAN ang isang lasing na lalaki ng bumangga ang sinasakyan nitong motorsiklo sa poste sa Quezon City kamakalawa.

Grabe ang naging pinsala ng aksidente sa biktimang si Rey Pamittan, na walang suot na helmet. Nawala rin ang wallet ng biktima.

Posible umano na hindi napansin ng biktima ang poste na nasa madilim na bahagi ng kalsada.

Nakita ng mga bata ang duguang biktima na siyang nagsabi sa mga tao sa lugar.

Dinala ang biktima sa East Avenue Medical Center.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.