Bato ginawaran ng pagkilala

Bandera (Visayas) - - NEWS -

ISANG testimonial parade ang iginawad ng Philippine Military Academy (PMA) kay outgoing PNP Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa Fort del Pilar sa Baguio City kahapon.

GInawaran din si dela Rosa ng PMA ng Outstanding Alumnus Award, parangal para sa mga nagsipagtapos sa institusyo na nagkaroon ng mataas na katungkulan sa pamahalaan gaya ng pagiging hepe ng PNP.

Sa kanya namang talumpati, nagpasalamat si dela Rosa sa Diyos, sa kanyang pamilya, mga kaklase at sa media na nakatuwang nya sa kanyang panunungkulan.

Nagpasalamat din siya kay Pangulong Duterte dahil binigyan siya ng break at maging kaunaunahang chief PNP na nagmula sa Mindanao.

Nakatakdang lisanin ni dela Rosa ang kanyang pwesto sa Abril 19 para magbigay daan sa bagong talagang hepe ng PNP na si outgoing National Capital Region Police Office Director Oscar Albayalde.

Si dela Rosa ay kabilang sa “Sinagtala” Class ng PMA noong 1986.

Siya ang ika-21 hepe ng PNP. Nakatakdang pamunuan ni dela Rosa ang Bureau of Corrections.—

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.