Facebook layasan ninyo—Roque

Bandera (Visayas) - - NEWS - — Bella Cariaso

INENGGANYO kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga tagasuporta ni Pangulong Duterte na magreklamo sa Facebook matapos mapabilang ang mga pro-Duterte sites sa mga fake news at sites na tinanggal mula sa FB.

“My advice is for the Facebook users to make their wishes known to Facebook administrators,” sabi ni Roque.

Idinagdag ni Roque na desisyon na rin ng mga FB users kung lilipat sila sa Russina counterpart nito na VKontakte o VK.

“Of course the possibility of shifting is always there, of course there is the worldwide movement to delete Facebook not just because of their moves in the Philippines but also because of privacy concerns,” giit ni Roque.

Kasabay nito, binatikos ni Roque ang desisyon Facebook na kunin ang online news sites na Rappler at Vera Files bilang partners sa paghabol laban sa fake news.

Idinagdag ni Roque na hindi dapat may kinikilingan ang kinuhang partners ng Facebook.

“And that is why I commiserate with those who object to the selection of Rappler and the Vera Files because they know, we know where they stand in the political…” giit ni Roque.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.