KZ TANDINGAN BAGONG COVER GIRL NG BONGGANG MAGAZINE SA CHINA

Sofia Romualdez Pinay version ni Miley Cyrus

Bandera (Visayas) - - NEWS - BY REGGEE BONOAN

NANG unang ipakilala si Sofia Romualdez sa ilang miyembro ng media sa Tacloban City kung saan ito nag-perform, marami na ang nagandahan sa kanyang boses at pwedengpwede raw talagang maging singer.

Ilang buwan lang ang nakalipas ay ni-launch na si Sofia ng Viva Records kung saan ipinarinig ng dalaga ang mga awiting siya mismo ang nag-compose. At that time ay medyo matinis pa ang boses at medyo nanginginig pa ang dalagitang anak nina ex-Mayor Alfred Romualdez and Mayor Cristina GonzalezRomualdez dahil sa kabang nararamdaman.

Pero sa ginanap na bonggang mediacon para sa launching ng mga bagong kanta ni Sofia na ginanap sa Manila Polo Club ay napakalaki na ng improvement sa boses at performance ng bagets.

Aniya, “I really love to sing, since I was young, it was more of like a hobby, but I’ve never really like, told everyone that I could sing, like I would just sing in my room, and no one really knew that I could sing until I started singing when I was 15, when my parents heard me. So that was when I started to really pursue music.”

At habang kumakanta si Sofia sa stage ay maraming nakapansin na may hawig siya sa international-actress singer at The Voice US coach na si Miley Cyrus. Halos pareho rin sila ng style sa pananamit at pagsasalita.

Nagustuhan namin ang melody ng awitin niyang "Location" at "Pikit Mata." At bumilib din kami dahil hindi lang pala kumakanta ang anak ni Mayor Kring Kring, magaling din siyang tumugtog ng musical instruments tulad ng ukulele at piano. Samantala, nagkuwento ang daddy ni Sofia na si exmayor Alfred kung bakit todo-suporta sila sa anak nila ni Mayor Cristina na i-push nito ang hilig sa musika. Ito’y para raw mawala ang trauma nito sa kanyang naranasan noong Bagyong Yolanda (2013). Halos dalawang oras para siyang nakakapit sa isang poste habang rumaragasa ang tubig baha sa kanilang lugar. Talagang lumaban si Sofia para mabuhay. “The water was so strong that Sofia got swept away. For about a hundred feet away, we were very lucky, she was KZ TANDINGAN CRISTINA GONZALES AT SOFIA RODRIGUEZ very lucky that there was a post that she was able to grab onto.

"And on that post, she was fighting for her life for almost two hours. So, we were very fortunate na nabuhay siya from that incident. Not many families in Tacloban are as fortunate as we were.

“We were concerned about her coping with that, the trauma, without experience. That’s why I really pushed music for her in order to hopefully cope up and make that experience a lesson, a lesson that will make her stronger in life later on.

“So, I just wanted to share that story with you so you’ll really see the courage and the resilience of our daughter,” emosyonal na pahayag ng daddy ni Sofia sa harap ng entertainment reporters na naimbita sa presscon ng dalaga.

As of now ay tinatapos na ni Sofia ang kanyang full album at ilo-launch na ito ng Viva Records very soon.

Hindi man naakaabot sa grand finals ang Asia’s Soul Supreme na si KZ Tandingan sa Singer 2018 ng China, siguradong nakatatak na sa mga Chinese ang kanyang talento sa pagkanta.

Hindi na rin kami magtataka kung very soon ay magkaroon din ng career ang magaling na singer sa China matapos ang makasaysayang pagpe-perform niya sa tinaguriang pinakamalaking singing competition sa nasabing bansa.

Sa katunayan, ilang araw pa lang ang nakalilipas matapos siyang magpakitang-gilas uli sa Singer 2018 kasama ang isa pang contestant na si Jessie J at ang Asian singing sensation na si Coco Lee, inilabas na ang first magazine cover niya sa China. Ang tinutukoy ni KZ ay ang Mode Magazine kung saan makikita ang kanyang "fierce and edgy" look.

“For those who are in China! Please do grab a copy of next month’s issue of MODE Magazine! I’m on the cover,” ang caption na inilagay ni KZ sa Instagram photo ng kanyang kauna-unahang magazine cover sa China.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.