Maja labs na labs ng mga taga-Thailand

Kyline Alcantara may 1M follower na sa Instagram

Bandera (Visayas) - - NEWS -

PATULOY pa ring humahataw sa iba’t ibang panig ng Asia at iba pang bahagi ng mundo ang kantang "Falling Into You", ang first collaboration ni Maja Salvador sa Thai musician na si Tor Saksit.

Naging matagumpay ang simultaneous release sa iba’t ibang panig ng mundo ng nasabing kanta noong Feb. 9, 2018 dahil sa kolaborasyon ng Ivory Music & Video, BECTERO Music Thailand at ng Tourism Authority of Thailand. Dahil dito, nagsanib-pwersa rin ang mga tagahanga nina Maja at Tor kaya naman tagumpay ang resulta ng kanilang bonggang project together.

Last February, 2018 ay bumisita si Tor sa Pilipinas upang i-promote ang kanilang single at music video. Nagkaroon sila ng guesting ni Maja sa mga radio station, na sinundan ng mga press conferences at TV guesting sa It's Showtime at TOR SAKSIT AT MAJA SALVADOR ASAP ng ABS-CBN.

Ang kanta nilang "Falling Into You" ay nakakuha rin ng puwesto sa Myx Daily Top Ten sa ilang magkakasunod na linggo, matapos nga itong i-release ng Sony Music International sa Australia, New Zealand, Singapore, Malaysia, Indonesia, Vietnam at Korea.

Sa mga susunod na buwan ay bibisita naman si Maja sa Thailand para sa bagong promo tour ng kanilang single.

Samantala, sa pagdami ng fans and followers ni Maja sa Thailand, ipinalabas din doon (dinub sa Thai) ang dalawa sa mga teleserye ni Maja sa ABS-CBN, ang Bridges Of Love at The Legal Wife.

Samantala, magri-release din sina Maja at Tor ng remix ng "Falling Into You" sa mga susunod na buwan. Ang "Falling Into You" ay available na for streaming at puwede nang ma-download sa Spotify, Deezer, iTunes, Apple Music. Available na rin ang official music video sa YouTube Channel ng Ivory Music & Video.

Parami nang parami ang mga nahuhumaling sa young Kapuso actress na si Kyline Alcantara. Kamakailan ay umabot na sa 1 million ang followers niya sa Instagram.

"Sunflowers" kung tawagin ni Kyline ang fans niya na kanyang pinasalamatan sa walang-sawang pagsuporta sa kanya, lalo na sa top-rating series nila sa GMA na Kambal, Karibal.

Samantala, patong-patong na ang mga kasinungalingan ni Crisel (Pauline Mendoza )na nasa katawan pa rin ni Crisan (Bianca Umali). Naghihinala na nga ba ang mga tao sa paligid niya dahil iba ang kinikilos niya? Si Crisan naman na nasa katawan pa rin ni Cheska (Kyline) ay tuloy ang paghihirap bilang katulong sa bahay nina Darren (Jake Vargas).

Labis ang galit ni Darren ng maitapon ni Crisan ang beads sa kwarto niya kaya’t palalayasin niya ito. Saan na ngayon pupunta at ano ang susunod na mangyayari kay Crisan? Tutukan ang mga mas tumitindi pang eksena sa Kambal, Karibal gabi gabi pagkatapos ng Sherlock, Jr. sa GMA Telebabad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.