Ang kasalukuyan BF na ba ang makakatuluyan?

Bandera (Visayas) - - NEWS -

Sulat mula kay Edcel ng San Vicente, Gumaca, Quezon Dear Sir Greenfield, May boyfriend po ako sa ngayon at siya na po ang gusto kong mapangasawa. Kaya lang siya ay isang seaman kaya medyo malabo pa na maging kami dahil sabi nya sa akin ay wala pa raw siyang balak mag-asawa dahil nagiipon pa raw siya at may pinapaaral pa raw siyang kapatid na college na sa ngayon. September 5, 1988 ang birthday ko at ang boyfriend ko naman ay January 17, 1984 ang birthday. Gusto ko po sanang malaman kung compatible ba kami? At kung kami na ba ang magkakatuluyan, ayaw ko na kasing matulad ang relasyon naming ito sa mga dating naging boyfriend ko na bigla na lang nawawala. Siya na ba ang mapapangasawa ko at kapag kami ang nagkatuluyan, magiging maligaya at matagumpay kaya ang bubuuin naming pamilya? Umaasa, Edcel ng Quezon Solusyon/Analysis: Palmistry:

Naging maganda na at makapal ang ikalawa at huling Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin ang huling pag-ibig at pakikipag-relasyon na nararanasan sa kasalukuyuan ay maaaring siya na rin ang magging kahuli-hulahan at makakasama mo habang buhay. Cartomancy:

Ten of Hearts, King of Clubs at Nine of Diamons ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing siyam (9) o kaya’y 10 buwan mula ngayon, habang patuloy ang relasyon ninyo ng boyfriend mo, walang duda, siya na ang mapapangasawa at makakasama mo sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.

Itutuloy…

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.