Nadine binastos daw ang babaeng fan na nagpa-selfie kay James; bugbog sa bashers

Ruby Rodriguez umalma nang tawaging ‘abnormal’ ang anak Vice sa bashers ng PGT finalist: Dunung-dunungan...sira-ulo ba kayo?

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - BY ALEX BROSAS

BUGBOG-SARADO sa lait si Nadine Lustre after a twosecond video surfaced on social media showing her making hawi a female fan na nagselfie with James Reid.

Maraming nabastusan sa kanyang ginawa kaya naman bash ang inabot niya sa social media.

“Walang masama kung magpa picture ang isang fan sa kanyang lodi. Bakit naman tinakpan ni Nadine. Oh ayan kitang kita ng lahat na hindi joke yun. Ang sabihin niyo c Nadz, inggitera at self-fish.”

“Itago mo nalang c James sa bulsa mo para wala nang magpa picture na fans.”

“Natural artista ang BF nya at gwapo tsaka sikat kaya syempre may fans na magpapicture. Dapat handa ka bilang GF sa ganyang sitwasyon. Kung pic lang malaking kaligayahan na sa fans un but if flirting na, di na maganda. Saka mo sya ipaglaban!”

“Wag na sila mag artista kung ganyan ang pag uugali nila! Hehehehe.”

“Maldita yang si Nadine. Ang ganda kasi nung babaeng nagpa selfie kaya tinampal.”

Pero may mga nagtanggol na die-hard JaDine fans.

“C Nadine makulit yan! Bungisngis yan! Feeling close nga kaagad yan sa mga taong nakakasalamuha nya. Nakikipag biruan lang binigyan agad ng masamang kahulugan. GANYAN KAYO! PINAPALABAS NYO LAGI MASAMA C NADINE! KARMAHIN SANA KAYO!!!”

“Tama lang ang lalande kaya. OK lang yang ginawa mo Nadine. Boyfriend mo may maglalandi pa?”

Ruby Rodriguez’s son was insulted by a basher who asked if her son is “abnormal”.

Nakita kasi ng basher ang isang post ni Ruby sa kanyang Instagram account na kasama ang kanyang anak.

With composure na sinagot ni Ruby ang basher ng, “@tanz_andres excuse me? What u mean abnormal??? If u mean if he is a special child Im proud to say Yes he is. He has ADHD and Dyslexia.”

Ruby’s daughter Antoinette joined in the fay ang said, “@tanz_andres excuse me? You don’t say the word abnormal. Uneducated ka ba? I guess so. You can attack me all you want but you don’t use that word on my brother. People like you should be educated. I guess your parents didn’t raise you correctly to be aware of the proper usage of words.”

Not surprisingly, marami ang kumampi sa mag-ina.

“Ang ibang Pilipino is kulang sa education lalo na pagdating sa mga my disability. Anak ko my ASD ‘Autistic’ pero ang sagot ng mga ibang tao sa akin ‘Ay wala sa itchura niya ng may autism sya.’ Sinasabihan ko talaga sila na hindi sa itchura malalaman kung special child ang isang bata.”

“KAYONG MGA WALANG MAGAWA SA BUHAY LAHAT PINAPANSIN NYO HUMARAP KAYO SA SALAMIN! NANANAHIMIK ANG BATA KUNG ANO ANONG KATARANTADUHAN ANG SINASABI NYO. BAKA MAS NORMAL PA SIYA KESA SA INYO.”

Marami ang pumalag nang pumasok sa Pilipinas Got Talent semi finals si Joven Olvido.

Pero sa kanyang semi-final round performance ay pinahanga niya ang mga judges lalo na si Vice Ganda.

“Kailagan ng mundo ng maraming magpapatawa, and that is the very reason kung bakit namin pinayagang makapasok ito sa semifinals. ‘Yung mga taong masyadong dunungdunungan na bakit daw pumasok ka, [na] ang daming mas magagaling, mga siraulo ba kayo?

"Ang pagpapatawa ay isang mahirap na art at trabaho at isang mahusay na talent,” depensa ni Vice kay Joven who‘s vaping skills audition has garnered 19,990,696 views.

Sa kanyang semi-finals performance ay ginawan ng parody ni Joven ang spiral pole dancing ni Kristel de Katalina, ang pull-up bars performance ng Bardilleranz at at kuwelang lip-sync act ni Orville Tonido.

With that, sobrang naimpress si Vice kaya sinabi niya kay Joven na bibilhan niya ito ng tricycle. Naiyak si Joven sa sobrang tuwa.

Kuwela ang sagot ni Mona (Jodi Sta. Maria )na nagpapanggap na si Lisa sa isang eksena sa Sana Dalawa Ang Puso.

Natanong kasi siya kung paano ide-describe ang relationship nila ni Martin (Richard Yap) nang um-attend sila ng marriage seminar. “Ang relationship namin ay parang ano, sabong,” sagot ni Mona.

“Sabong kasi tumataya ka pero hindi mo alam kung mananalo ka o matatalo. Hindi naman importante kung matalo ka kasi sugal siya. Ang importante, nag-alaga ka, nagmahal ka ng manok mo, pinaghirapan mo ‘yun. At ‘yung manok mo mahal mo ‘yun hanggang kamatayan,” paliwanag ni Mona.

“Sabong? Ano’ng alam mo sa sabong” tanong ni Martin kay Mona, este Lisa.

Naku, mukhang unti-unti nang mabubuking na si Mona ay hindi naman talaga si Lisa.

VICE GANDA RUBY RODRIGUEZ JODI STA. MARIA NADINE LUSTRE AT JAMES REID

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.