OFW PWERSAHANG PINAINOM NG BLEACH

DFA nakabantay sa kaso

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - — Liza Soriano

MASUSING binabantayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kondisyon ng isang overseas Filipino worker sa Saudi Arabia na umano’y puwersahang pinainom ng bleach ng kanyang amo.

Sa pahayag ng DFA, nasa “serious but stable” na kondisyon na sa King Fahad Central Hospital sa Jizan, Saudi Arabia, si Agnes Mancilla.

Nadakip naman ng lokal na pulisya ang employer ni Mancilla na hiniling ng Philippine Consulate General sa Jeddah na matiyak na masasampahan ng kaukulang kaso.

"We would like to assure our kababayan that we are working closely with authorities in Jizan to make sure that justice will be given to Agnes Mancilla," ayon kay Consul General Edgar Badajos.

Ayon sa ulat, isinugod si Mancilla ng mga kapwa OFW sa nasabing pagamutan noong Abril 2 nang humingi ito ng saklolo makaraan ang pangaabuso ng amo.

Simula noong 2016 nagtrabaho ang biktima sa Saudi Arabia, mula noon ay paulit-ulit umano itong pinagmamalupitan ng kanyang amo na hindi rin nagbabayad ng tamang suweldo.

Bukod sa pinsala sa loob ng katawan dahil sa nainom na bleach, may nakita ring mga paso sa likod ng Pinay OFW ang mga mangagamot.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.