Sharon pahinga muna sa SocMed, iwas nega

Rhian ibinandera ang sobrang pagmamahal sa BF

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - BY JUN NARDO

HAYAN, walang bagong pasbog na post si Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account as of this writing, huh!

Hindi kasi pinaniwalaan ng ilang followers ni Shawie at ng mga kumukontra sa kanya sa showbiz ang huling post niyang pahinga na mina siya sa social media pati na sa pagsagot sa text at tawag sa kanya sa cellphone.

Walang rasong sinabi ang Megastar sa pamamahinga niya sa socmed. Pawang haka-haka lang na may kinalaman ang hindi pagkakatuloy ng movie nila ni Gabby Concepcion pero walang kumpirmasyon si Shawie sa intrigang ito.

Ibalato na lang natin kay Sharon ang kahilingan niyang ito. Naging Megastar siya nu’ng panahong wala pang social media at hindi pa masyadong uso ang cellphones kaya we believe, kahit na hindi na siya maging active sa pagpo-post sa Facebook, IG at Twitter mamahalin pa rin siya ng mga tao.

Gumamit man siya ng social media o hindi eh, puwede pa rin naman siyang isulat, huh! Literal na nagwala sa kaligayahan at paglulundag si Maine Mendoza nang manood ng concert ng foreign group na The Script last week. Kitang-kita ito sa video na ipinost niya sa kanyang Twitter lalo na nu’ng mag-flying kiss siya na sinalo naman ng lead singer ng grupo.

Sa huling tweet ni Meng, aniya, “I swear I had the most amaaaaaazing time, I am not even exaggerating do you feel ne oh my God. I love you guys. Thank you @thescript #FreedomChildTour.”

Kahit sikat at siya mismo ay pinagkakaguluhan ng publiko, hindi pa rin nawawala ang pagiging fan girl ng Phenomenal Star at nakakalimutan ang pagiging artista kapag nakikita ang mga celebrities na iniidolo, huh!

Kasama ni Rhian Ramos ang boyfriend na si Jason Choachuy sa biyahe ng kanyang pamilya sa Japan. Nataon na birthday ng kanyang BF sa biyaheng ‘yon kaya naglabas siya ng cheesy message kay Jason sa Instagram.

“Good morning bubbs! Happy birthday!

“Thank you for being such a driving energy in my life, for being patient with my quirks, for supporting my dreams, for forgiving my imin perfections and in stead maklike ing me feel like they're strengths. I’ll always look up to you, that you’re both gentle tle and firm, childlike and mature, spontaneous and responsible, my friend and my family. “It’s your

day and you could’ve spent it with anyone, anygrateful where but I’m grateful that you’re here with dragon lady and the rest of the clan! Hapubba! py Birthday bubba! You are loved,” saad ni Rhian.

“Pleasure darling! Thank you and I love you!” tugon naman ni Jason.

"Tumakas" muna sa

taping ng The One That

Got Away si Rhian para maka-bonding ang kanyang boyfriend and family sa Japan. Pero agad ding babalik ang Kapuso actress para sa taping ng TOTGA sa GMA Telebabad.

MAINE MENDOZA

RHIAN RAMOS AT JASON CHOACHUY

SHARON CUNETA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.