Brgy. kagawad patay; misis na kapitan, utol sugatan sa ambush

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - — John Roson

PATAY ang isang barangay kagawad ng Pidigan, Abra, habang sugatan ang kanyang misis na barangay chairwoman at isa niyang kapatid, nang pagbabarilin ng mga armado, Linggo ng hapon.

Dinala pa sa ospital ang tatlo, ngunit di umabot nang buhay si Victor Pisco, residente at kagawad ng Brgy. Immuli, ayon sa ulat ng Cordillera regional police.

Inoobserbahan pa sa pagamutan ang misis niyang si Brgy. Immuli chairwoman Elida Pisco, at kapatid na si Myrna Pisco-Vasquez, ayon sa ulat.

Naganap ang insidente sa bahagi ng Provincial Road na sakop ng Sitio Banay, Brgy. Monggoc, at naiulat ng isang residente sa pulisya dakong alas-5:30.

Pauwi sa Immuli sina Pisco, sakay ng asul na Elf truck, nang unahan at paulanan ng bala ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo, ayon sa ulat.

Natagpuan sa pinangyarihan ang dalawang basyo ng kalibre-.45 pistola.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng mga salarin, na sinasabing tumakas patungo sa direksyon ng San Isidro o Villaviciosa, matapos ang insidente.

ANG larawan na binatikos nang kaliwa't kanan sa social media.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.