K BROSAS ASAR-TALO SA LAITERANG BASHER: NAPAKASAMA NG UGALI MO! Janella na-heatstroke; nag-sorry sa fans

Rachelle Ann magpapakasal sa Bora bago isara sa mga turista

Bandera (Visayas) - - NEWS - BY ERVIN SANTIAGO

BAGO ipatupad ang sixmonth closure ng Boracay sa April 26, magaganap daw muna ang kasal ng Pinay Broadway actress na si Rachelle Ann Go sa nasabing isla.

Kalat na sa social media ang balitang sa April 19 nakatakda ang wedding ni Rachelle sa kanyang American fiancé na si Martin Spies at magaganap nga raw ito sa isang resort sa Bora.

Sa kanyang Instagram stories, ibinandera ng singer-actress ang kanyang pagdating sa Boracay kasama ang kanyang future husband. Bukod dito, may maikling video pa siyang ipinost kung saan makikita ang kanilang hotel room sa Discovery Shores. May nakakabit pa ritong welcome banner para sa kanila.

Nitong nakaraang weekend, binigyan ng bonggang bridal shower si Rachelle Ann kasama ang ilang kaibigan na ginanap sa isang nail salon sa Pasay City. Bukod pa ‘yan sa naganap na despedida de soltera para sa kanya sa Conrad Hotel kung saan dumalo si Erik Santos at iba pa niyang kaibigan sa showbiz.

Para sa mga hindi pa nakakaalam, nagkrus ang landas nina Rachelle Ann at Martin sa New York last year nang ipakilala sila sa isa’t isa during a Christian service. Nasa New York noon ang dalaga para sa "Miss Saigon" tour kung saan gumanap siya bilang bar girl na si Gigi Van Trahn.

Noong Aug. 23, 2017 inamin ni Rachelle na boyfriend na niya si Martin, na general manager ng isang American luxury fitness company.

Napikon si K Brosas sa isang netizen na nangokray sa kanya bilang ninang ng anak ng kaibigan niyang si Pokwang na bininyagan kamakailan.

Ayon sa Instagram user na si @iambabelyne, “Kawawa naman si baby, ang ganda ganda eh, mga ninong sila? Hahahaha.” Hindi ito pinalagpas ng komedyana at talagang niresbakan niya ang basher.

Narito ang bwelta ni K Brosas: "Neverko pang ginawa to. ang mag post ng ganito. Di naman ako palaging pa- tola. Sensya na ha pero dahil dina- may mo inaanak ko at mga kaibigan/kumare ko @pooh_tik @hot_chokoleit deserve mo post ko na to.

"At dahil di mo pa rin sinasagot tanong ko ‘na bakit kawawa?’ OO napaka gandang bata talaga si Malia at isama mo na yung ina @itspokwang27, so anong kawawa sa bata kung kami ang ninong/ninang? Napaka sama naman ng ugali mo kung ibabase mo sa itsura namin kung karapat dapat kami. Lalo na hindi ka naman KAGANDAHAN (profile pic mo teh) Buti sana kung nilagyan mo ng ‘joke lang po’ o ‘chos’ at kung magpapatawa ka dapat mas nakakatawa ka sa 4 na komedyanteng pinansin mo. Haaay!

"Nakaka sad na may katulad mong tao. Ok lang kung sinabi mo na hindi ako maganda etc kc opinion mo yon, pero para husgahan mo kami bilang mga ninang eh kapatol patol ka! Sa mga followers ko sensya na ha. Di ko napigilan. Ipagdarasal kita tehh @iambabelyne. Pero sa ngayon bigyan kita ng exposure! Palakpakan!!!" litanya pa ni K Brosas.

Nag-sorry si Janella Salvador sa isang grupo ng kanyang fans (Titas of ElNella) dahil hindi siya nakapunta sa pa-surprise birthday party ng grupo last Sunday.

"I am truly sorry to all the @TitasOfElnella for not being able to go to the birthday surprise today. Believe me, I was just as excited as you all are and I really wanted to force myself to still go but i’m not in good enough shape to do so," aniya sa kanyang social media post.

"I’ll be very honest here, some of your tweets are actually quite hurtful. I know your angst against some things that didn’t go the way you want them to but you don’t have to assume the worst. Please do think before you tweet. Things are not always what they seem," aniya pa tungkol sa mga masasakit na salitang ibinato sa kanya ng ilang netizens.

"Now, I hope you TRULY understand that I really am not feeling well today due to an episode of heatstroke and if I could go, I would. I’m not the promo puppet you guys are painting me to be. I will stand up for myself if I have to. Anyway, enjoy today. I still love all of you," paliwanag pa niya.

MARTIN SPIES AT RACHELLE ANN GO

K BROSAS

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.