Pinoy journo wagi ng Pulitzer

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - —Leifbilly Begas

NAGWAGI sa prestihiyosong Pulitzer Prize ang Pinoy journalist na si Manuel Mogato na sumulat ukol sa kampanya ng Duterte government laban sa ipinagbabawal na gamot.

Si Mogato at dalawa pa niyang kasama sa Reuters na sina Clare Baldwin at Andrew R.C. Marshall, ay ginawaran ng Pulitzer Prize for International Reporting.

Kinilala ang tatlo sa kanilang natatanging paguulat kaugnay sa pagpatay sa mga taong may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot sa ilalim ng drug war ng administrasyon. Hindi naman sinolo ni Mogato, political and general news correspondent ng Reuters sa bansa, ang parangal sa kanya.

“It was a team effort. Every one in the Manila bureau did their job but it was months of hard work and I admired the courage, strength, and perseverance of the team to pursue the drugs war story,” ani Mogato.

Mayroon ding 13 iba pang mamamahayag na pinarangalan ang Pulitzer sa iba’t ibang kategorya.

Ang Pulitzer ay unang ibinigay noong 1917 para sa mga mamamahayag ng Amerika.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.