P200M cocaine nabingwit sa Bicol

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - —Inquirer. net, John Roson

NATAGPUAN ng isang grupo ng mangingisda mula sa Quezon ang plastic container na naglalaman ng 27 kilo ng cocaine sa karagatan ng Bicol region noong Linggo ng gabi, ayon sa lokal na opisyal kahapon.

Sinabi ni Councilor Leonardo Reyes, presidente ng association of village chiefs sa bayan ng Perez, Quezon, na nadiskubre ng apat na magsasaka ang 27 nakaselyong mga pakete na tumitimbang ng isang kilo kada isa nang buksan nila ang container na nakuha sa Pacific Ocean.

Base sa pagtaya ng mga pulis, nagkakahalaga ang cocaine ng P200 millyon.

"When I was informed by the boat owner [about the fishermen’s discovery], I [instructed him] that the items be immediately surrendered to the police,” sabi ni Reyes.

Idinagdag niya na base sa pagsusuri, “high-grade” cocaine ang laman ng container.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.