Koreano, GF huli sa buy-bust

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - —John Roson

ARESTADO ang Koreano at Pilipina niyang nobya nang makuhaan ng hinihinalang shabu, sa buy-bust operation sa Mabalacat City, Pampanga, Lunes ng gabi.

Naaresto sina Jake Lee, 36, at nobya niyang si Joy Ann Casuparan, 18, ayon sa ulat ng Central Luzon regional police.

Isinagawa ng Mabalacat Police at Philippine Drug Enforcement Agency ang operasyon sa Samsonville Subdivision, Brgy. Dau.

Nakuhaan sina Lee ng apat na sachet na may P5,000 halaga ng hinhinalang shabu, cellphone, at P1,000 marked money.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.