Maine hinamon ng mga fans: Mag-sorry ka kay Alden, sa mga panghihiya mo sa kanya!

Nadine bagong Nega Queen; pero ipinagtanggol ng netizens Sey mo Enrique, ganda ni Liza mabenta rin sa foreign celebs

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - BY ALEX BROSAS

Nagbubunyi ngayon ang mga loyalista nina Coco Martin at Yassi Pressman sa seryeng Ang Probinsyano. Nakakaaliw ngang maramdaman na ang pananaw ng marami nating kababayan ay isang romantikong palabas ang seryeng ito at hindi action.

Ngayong lumalabo na ang nabuong relasyon nina Yassi bilang Alyanna at JC Santos bilang si Marco ay tuwangtuwa ang mga tagahanga nila ni Coco bilang bumibidang si Ricardo Dalisay.

At nu’ng isang gabi lang ay tumawag pa ang isang kaibigan naming may-ari ng isang malaking kompanya, ang sabi nito, “Ayan, kasi, patol nang patol sa iba! Ni hindi man lang niya inalam kung ano ang tunay na pagkatao ni Marco, kaya ayan, magdusa siya!

“Sira-ulo pala ang natapatan niya! Kapag hindi nakuha ang gusto, nagse-self-distract! Hindi kasi makapaghintay kay Cardo na kaya lang naman nawala, e, dahil ipinaglalaban ang hustisya sa namatay nilang anak!” inis na inis na hinaing ng aming kaibigan.

Nakakatawa, kahit saan kami magpunta ay maraming tuwang-tuwa dahil magkakabalikan na raw uli sina Cardo at Alyanna, ganu’n katindi ang dating sa ating mga kababayan ng pang-iiwan ng babae sa kanilang idolong action star.

Romantic serye pala ito at hindi action. Likas talagang mapagpahalaga sa relasyon ang mga Pinoy, lalo na ang matatandang manonood, na apektado sa ginawang pakikipagrelasyon ni Alyanna sa ibang lalaki. LIZA Soberano has a new admirer.

He’s non other than world-renowned DJ, Zedd na talaga namang siya ang pinili sa isang interview nito.

Nag-concert recently si Zedd na nakilala sa hits niyang “Clarity,” “Stay the Night,” and “The Middle”.

When interviewed, Zedd was presented the photos of Kapamilya stars Kathryn Bernardo, Liza Soberano, Julia Barretto, Janella Salvador and Nadine Lustre.

In short, pinapili siya kung sino ang pinakamaganda. “Liza, you’re my pick,” Zedd said.

Actually, hindi na bago ang ganitong scenario sa bida ng Bagani. In the past, popular Hollywood celebrities have noticed Liza’s beauty and the list include the hottest stars like Charlie Puth, Justin Bieber and James Mcvey from The Vamps.

Incidentally, lumabas na uli ang Ganda character ni Liza sa Bagani. Nasa ibang mundo na pala siya, sa Dako Pa Roon. Gusto niyang tumakas kaya lang ay biglang may puting lubid na lumingkis sa kanyang mga braso. Sinabihan siya ng dalawang guys na ‘wag na siyang pumalag dahil hindi siya makaaalis doon. Ang gawin niya ay mag-relax na lang para mawala ang lubid na nasa kanyang mga braso.

Pinalagan ng fans ni Alden Something ang panawagan ni Maine Something na suportahan ang kanyang kapartner kahit na sa solo project nito.

Sa kanyang birthday party na bigay ng kanyang fans ginawa ni Maine ang panawagan. Sadly, walang nanalig sa kanya.

“Kaplastikan ang sabihin ninyo na Selfless siya. Baka di ninyo naalala na kung mabubuwag ang loveteam ay siya na lang ang suporthan. Wala siyang sinabi na suportahan silang dalawa ni Alden. Tapos ngayon magsasabi siyang suportahan ang solo project ni Alden at kanya din? Agenda?” said one Alden fan.

“@mainedcm maniniwala lang ako na sincere ka sa sinabi mong suportahan si Alden ng fans nyo kung magsorry ka sa lahat ng panghihiya mo sa kanya on/offcam, paninira ng tards mo kay Alden, remember u liked a post of his basher 2x & close ka sa basher nya mom ng EB staff.

“@mainedcm also magsorry ka din sa ibang female celebrities pati dabarkads na sina Patricia Tumulak, Ruby Rodriguez, Luane Dy, yung Ms. Millennial na binash/nilait/tinorture sa socmed na mga fans mo maiangat ka lang.”

‘Yan ang magkasunod na say ng isang faney ni Alden.

May bayarang fan ni Alden ang nag-react sa nasulat naming walang binatbat ang actor kina Nash Aguas, Joshua Garcia at JM de Guzman.

“Lol nice try using Alden to drum up publicity for those two. By the way, kakapanalo lang ni Alden at ng team niya ng international award for a socially relevant and meaningful docudrama that he starred in, Alaala. Dami din niyang acting awards. He's leagues ahead of them,” say ng bayarang alipin.

The last time we check, it was not Alden who won but the documentary starring him. Magkaibang bagay iyon. If Alden who, then he would have been given a best actor award for his role in the docu. But no, he didn’t win any award. Ang nanalo ay ang kanyang documentary and that’s it.

Mahina yata ang kanyang comprehension!!!

Ipinagtanggol ng isang fan ang ginawang paghawi ni Nadine Lustre ng kamay ng isang female fan na gusotng magpaselfie sa kanyang boyfriend na si James Reid.

“I was there po and that night di na talaga sila makapag enjoy kasi super daming gustong magpa picture. Nagtago na nga lang sila sa sulok pero talagang maraming makulit. Madami silang pinagbigyan magpa picture. Yung iba naman kasi pa ulit ulit tapos talagang makulit na kay James.

“I’m not a big fan pero nakakainis pala pag alam mo yung nangyari tapos yung iba super bash tapos may sarili ng nagawa na story. Nakakaloka.

"Pinapakiusapan sila in a nice way na tama na, not James and Nadine but nung mga kasama ko pero ayaw makinig. Nagtago na nga si James sa dulo pero marami parin makulit. Paano naman sila mag e-enjoy.”

That was the fan’s kuwento which surfaced sa isang popular website.

Kaya lang, her kuwento did not make sense sa ilang netizens who felt that Nadine was rude.

“Pero tinapik ang kamay teh. Bastos. Mas maraming dumudumog sa ibang artista pero di naman ROAD LIKE A KED.”

“Charot lang yan. Damage control para sa naghihingalong image ni Nadine. Still, inexcusable pa rin ang pagtapik or tabig sa fan. That was rude. Nega Queen indeed.”

“You can exit without making a scene. Others have done a better way of handling this type of situation.”

“Kahit pa. Pwede naman mag-excuse nang maayos or hilahin na lang si James paalis. Hindi mantatabig ng kamay. Kakaloka.”

MAINE MENDOZA ALDEN RICHARDS NADINE LUSTRE LIZA SOBERANO AT ENRIQUE GIL

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.