Wade binuhat ang Heat kontra 76ers

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE -

SINO ang nagsasabi na gurang at laos na si Dwyane Wade?

Pinatunayan ng 36anyos na si Wade na kaya pa niyang buhatin ang kanyang koponan sa panalo sa isang NBA Playoffs game.

Kahapon sa Philadelphia ay umiskor ng 28 puntos at humugot ng pitong rebounds mula sa bench ang manlalarong tinaguriang "The Flash" para pamunuan ang Miami Heat sa 113-103 panalo kontra Philadelphia 76ers sa Game Two ng kanilang best-of-seven first round playoffs series.

Pinutol din ng Miami ang 17-game winning streak ng Philadelphia na nagwagi, 130-103, sa Game One noong Linggo.

Sinamantala rin ng Heat ang hindi paglalaro ng All-Star center ng Sixers na si Joel Embiid. Ito ang ika-10 diretsong laro na na-miss ni Embiid na kasalukuyang nagpapagaling sa injury.

Muntik nang maagaw ng Sixers ang panalo matapos na burahin nito ang 16 na puntos na kalamangan ng Heat at makalapit sa dalawa, 96-98, may apat at kalahating minuto pa ang natitira sa laro.

Pero napatid ang paghahabol ng Philadelphia ng isang dunk mula kay Wade na nagpasimula ng rally para sa Miami.

Ang Game 3 ay sa Biernes sa Miami.

Ito ang unang kabiguan para sa Sixers mula Marso 13 nang matisod sila ng Indiana Pacers, 101-98.

Nagdagdag ng 20 puntos si Goran Dragic at 18 puntos si James Johnson para sa Heat.

Nanguna naman para sa Philadelphia sina Ben Simmons na may 24 puntos at Dario Saric na umiskor ng 23.

Pero walang duda, ang bida ng Game Two ay ang three-time NBA champion na si Wade na nagpakita ng gilas sa second period kung kailan lumayo ang Miami at sa fourth quarter para masiguro ng Heat ang panalo.

Tumira si Wade ng 11of-16 field goals at may dalawang steals sa 25 minutong paglalaro.

Sa Game One ay gumawa siya ng 11 puntos sa 4-of-7 field goal shooting sa loob ng 19 minuto sa laro.

Sa Game One din ay nagbuslo ng team playoffrecord 18 triples ang Sixers pero kahapon ay nakagawa lamang ito ng pitong tres sa 36 attempts para sa mababang 19.4% accuracy. Warriors 116, Spurs 101

Sa Oakland, California, pinangunahan ni Kevin Durant ang decisive third-quarter run para sa Warriors na mayroon nang 2-0 bentahe sa kanilang serye.

Nag-ambag naman ng 31 puntos Klay Thompson para punan ang pagkawala ng injured AllStar point guard na si Stephen Curry.

Malabo ring makalaro sa Game Three sa Biernes si Curry na nagpapagaling sa sprained left knee injury.

Hindi rin kumpleto ang Spurs dahil hindi pa rin nakapaglalaro si Kawhi Leonard.

Nanguna naman para sa San Antonio si La Marcus Aldridge na gumawa ng 34 puntos at 12 rebounds. Nagdagdag naman ng 21 puntos si Patty Mills at tig-12 puntos sina Rudy Gay at Pau Gasol.

NALUSUTAN ni Miami Heat veteran Dwyane Wade (3) ang depensa nina T.J. McConnell, Ersan Ilyasova at Ben Simmons ng Philadelphia 76ers sa Game Two ng kanilang first-round NBA playof f series kahaon sa Philadelphia. Nagwagi ang Heat para itabla ang serye.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.